Agaw-Tingin: Koleksiyon ng Nonfiction

Excerpts from the book of Ricky Lee

Naging kontrobersiyal din ang estilong ito dahil hindi ina-italicize ni Ricky ang mga banyagang salita. Pero sa malawakang pananaw, hindi kaya na maganda nga na angkinin na ng Filipino sa lalong madaling panahon ang napakaraming salitang Ingles na totoo namang bahagi at palasak na pag-uusap ng mga Pilipino ngayon. Sa ganitong paraan ay mas mabilis nating mapapalawak at mapayayaman ang bokubularyo ng Filipino, simbolo ng naging paglago ng Ingles na lahat na lang ng bagay/salita na wala sa kanyang orihinal na kultura ay inangkin at ginawang bahagi ng kanyang bokubularyo.


Introduksiyon

Ang pagsusulat ay nagsisimula sa pagtingin natin sa mga tao, lugar, at bagay-bagay upang mapatingnan din natin sila sa mga mambabasa sa isang paraang parang ngayon lang nila nakita ang mga ito. Sa tingin ng manunulat nagsisimula ang lahat, at sa tingin ng mambabasa nagwawakas.

Natitingnan pero hindi nakikita.


Sa Ermita Na-virgin

Kapag nagdidikit siguro ang dalawang hubad na katawan, iba’t ibang tao at paulit-ulit, di nagtatagal ay nagiiwan ng amoy ng pawis at libog sa bawat sulok at dingding.


Sa Taft ang Simula, sa Luneta ang Wakas

Sa trabahong ito’y mga mata ang nauuna. Ewan kung bakit. Siguro’y dahil ito ang nakakakita ng lahat. Siguro’y dahil totoong ito ang bintana ng kaluluwa at anumang nawawala sa kaluluwa’y nakikita rito.


Isang Araw sa Buhay ng Maliliit na Tao sa Labas ng Simbahan

“Nasa pananampalataya ‘yan” sagot niya. “Nasa tao ang medalya”.

Dito ka pupunta kapag may problema ka. Ito ang simbahan ng pawis, masa, sikmura. Pero wala muna ngayon. Bukas uli.


Gamot para sa Lahat ng Sakit

Seksing babae sa TV, ahas sa kalsada — sino nga naman ang makapagsasabi kung saan nagwawakas ang pangungumbinsi at saan nagsisimula ang panloloko?


1976: Isang Taon ng Kadaldalan at Kabuluhan

Basura, ayon sa ilan. Obra maestra, sabi ng iba. Dalawang beses ko nang pinanood ay ‘di ko pa rin maintindihan, reklamo ng isang manunulat. Makabalik na nga sa eskwela.


Buhay-Lagarista

Tumatakbo siya kahit anong nangyayari sa mundo, umiinit man o bumabaha. Para siyang walang isip na makinilyang buong araw ay pabalik-balik pakaliwa’t kanan, iisang pangungusap na ‘di nagbabago ang isinusulat sa papel: ang pelikula, pangit man o maganda ang pelikula.

Anumang araw o panahon, pasko man o mahal na araw, pareho ang takbo ng trabaho ng isang lagarista.

Maliit lang siya’t payat, iyong klase ng taong dahil sa hirap ng buhay na dinaana’y mukha na lang ang tuloy-tuloy na ang tumanda, ang katawa’y nanatiling maliit.


Now Shooting (Noon): Maliliit na Tao sa Pelikula

Mamumulot ka ng po at opo sa sahig, marami ka pang maiuuwi. Natututo silang sumipsip, nasasanay maglangis.

Masarap na kausap ang mga bold star dahil kadalasa’y prangka sila, hubad na ang katawan ay hubad pa rin ang kaluluwa.


Ang Paggawa ng Himala

”Siguro”, sagot ni Raquel, “Gusto ni Ishma na ma-experience muna ni Guy lahat ng suffering bago niya makita ang himala”. Tama. At gano’n din siguro ang gusto ni Ishma na maranasan ng lahat ng mga taong gumawa ng Himala.


Jacklyn Jose, 23: May Bold Ba sa Langit

Masarap ang pakiramdam pero di ako nangangailangan ng atensiyon na sasama ang loob ko kung wala.


Wonder Boy

Pero kapag ang batang sasagot-sagot sa matatanda, nanunulak ng utusan sa balon, at di mapilit kumain ay nasa loob na ng ating pamamahay, iba na ang usapan. Lilipad palabas ng bintana ang pantasya, matotorete tayo sa ating mga problema, at muli na namang nating idedeklara, hindi dapat gumaya kay Niño ang ating mga anak.


A as in Apo

We are a cultural minority in our country.

The Apo Hiking Society is a lush private island in the Pacific Ocean of foreign music.


Si Lino, Kung Minsan

Kung noon ay laging puno ng galit ang mga pelikula niya, ngayon ay hinaluan na niya ang galit ng pag-asa.

We must produce films that will hurt, films that will disturb, films that will not let you rest. For the times are bad and, given times like these, it is a crime to rest.