betta

It has been a couple of weeks since I started my new job in BGC. At gaya ng isang fighting fish na binili sa pet store at inilipat na sa aquarium, unti-unti na akong nag-aacclimate sa bago kong environment.

Sidewalks. Gustong gusto ko ng magandang sidewalk. ‘Yung malinis, maluwag and caters to the needs of the everyday people. May benches. May puno. May pwedeng masilungan kapag umuulan. Isa sa mga paborito kong kalsada ay ‘yung F. Ortigas Jr. Hindi ko nga alam bakit mas maganda pa ito kesa mismong Ortigas Avenue. Pero yeah, pasok siya sa lahat ng criteria ko para sa isang lansangan na may magandang sidewalk.

Traffic rules. Hindi ko sinasabing perpekto ang BGC pagdating dito pero malaki ‘yung improvement niya kumpara sa iba. Isang factor siguro ‘yung mukha ka kasing nasa abroad, at alam mo naman ang mga Pinoy, sumusunod sa batas basta nasa ibang bansa. Kung bumibili ka ng metal straws para maipakita ang malasakit sa kalikasan, sana tumawid ka rin sa tamang tawiran para maipakita ang pagrespeto sa batas.

Ang ganda ng punto ni Bob Ong sa libro niyang 56. Sabi niya:

Saan mang progresibong bansa ka mapunta, bago mo pa mapuri ang ganda ng sistema nila sa edukasyon, sining, o teknolohiya, una mo nang mapapansin ang kanilang kalsada: mga driver, pedestrian, sistema ng transportasyon, at kawalan ng mga langaw at basura.

Wunder. Medjo madali mag-book ng ride dito kasi maraming willing mag-car pool. Sobrang swerte din, kasi may nakilala akong kapitbahay ko na sa BGC din nag-wwork. So nag-ppool kami papasok at pauwi. Transpo and company — name a more iconic duo.

Construction Site. Merong building na itinatayo malapit sa office namin and I find it cathartic to watch it from time to time. Ang saya kapag umiikot ‘yung crane.🤣

Agave. Sobrang solid dito guys. 295 pesos para sa bottomless margarita. Ang unang impression ng mga tao is, ang mahal naman. Pero isipin niyo, 300 pesos ang bucket ng San Mig Light, anim na bote ‘yun. Kung ganyan ang throughput ninyo, doon na kayo sa anim na refill ng margarita. Different animal pare.

Food choices. Lahat affordable basta naka Zomato Gold at Foodpanda coupon gaming ka (not a paid advertisement). Banko. Hindi masyadong nagkalat ang mga ATM pero kumpleto sa branches. Tatlo ‘yung Anytime Fitness. May Jamba Juice. And lastly, Muji. Hindi ko kailangang i-explain ang sarili ko dito.

All in all, marami pa akong gustong ma-discover. Hindi lang in terms of consumerism (just like what I have mentioned above) pero in life as well. It is exciting and refreshing to be in a new environment and I guess the key here is to take things slowly. Steads lang.

Siyangapala, nag-alaga talaga ako ng fighting fish (betta) dati pero after 37 days namatay siya. Kwento naman ‘yan for another time.